Lola, arestado matapos magnakaw ng mga pagkain, pabango sa convenience store

2292
COURTESY SOUTHERN POLICE DISTRICT

Dinampot ang isang 60 taong gulang na babae matapos magnakaw ng mga pagkain at body spray sa isang convenience store sa Salcedo Village, Brgy. Bel Air, sa lungsod ng Makati nitong Miyerkoles ng hapon.


Hindi pa raw nababayaran ng senior citizen ang kaniyang mga kinuha nang bigla itong umalis sa tindahan, base sa kuha ng CCTV camera.

Narekober sa lola ang 14 piraso ng tsokolate, limang delata ng imported luncheon meat, at tatlong bote ng pabango na aabot sa halagang P2,577.

Napag-alaman ng Makati Police na residente ng Barangay Olympia ang matandang babae.

Umamin naman ang salarin na nagnakaw talaga siya dulot ng matinding kahirapan at pangangalam ng sikmura.

Nakapiit ngayon ang senior citizen na sasampahan ng kasong theft o shoplifting.

Kasong theft o shoplifting ang inihahanda na isampang kaso laban sa lola.




Facebook Comments