Lola, Dinakip Dahil sa Pagbebenta ng Alak sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lola matapos na lumabag sa ipinatutupad na liqour ban bunsod ng lockdown dahil sa pagbebenta nito ng nakalalasing na inumin sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang dinakip at may-ari ng tindahan na si Ofelia Yap, 70 taong gulang at residente sa naturang lugar.

Nahuli si Yap sa ikinasang entrapment operation ng PNP Cauayan City matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen kung saan nabentahan nito ng tatlong (3) piraso ng alak ang isang pulis na nagpanggap na bumibili.


Nakumpiska sa pag-iingat ng lola ang tatlong (3) piraso ng tig isang daang piso (Php100) na ginamit bilang marked money.

Inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban kay Yap habang inabisuhan na ang mga opisyal ng barangay na bawiin ang business permit nito bilang kaparusahan sa kanyang paglabag.

Facebook Comments