Lola, huli sa tangkang pandurukot ng 2 paslit sa Marikina City

24

Arestado ng mga operatiba ng Marikina City Police ang 70- anyos na lola na hinihinalang miyembro ng sindikatong nandurukot ng mga bata sa Metro Manila at iba pang lugar.

Ayon kay Police S/Insp Mauro Guerero ng Marikina City Police Police Community Precinct II, 2 bata na nagkakaedad ng 4 at 2- taong gulang ang magkasunod na tinangkang tangayin ni Gloria Payos, tubong Bulusan sa Bicol.

Sa imbestigasyon ng Marikina PNP, kumakain ang 4-taong gulang na biktima sa labas ng kanilang bahay sa Malvar St., Barangay Jesus Dela Peña, Marikina City nang hablutin sa kamay ng suspek na lola pero napigilan dahil nakita ito ng ina ng bata.

Kumaripas palayo ang matandang babae na hinayaan na lamang, pero isang 2-taong gulang na bata ang kanyang sapilitang kinuha sa lugar pero nakapiglas.

Dahil dito ay agad na nakapagsumbong sa nagrorondang mga pulis at naaresto ang matanda na nakakulong ngayon sa Marikina City Police.

Facebook Comments