Lola na HVT, Arestado!

Santiago City, Isabela- Dinakip ng kapulisan ang isang lola na High Value Target dahil sa Kaso nitong Paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act kahapon sa barangay Mabini, Santiago City, Isabela.

Ang dinakip ay kinilalang si Brigida De Leon, sitentay singko anyos, High Value Target at residente ng Purok tres, Mabini, Santiago City.

Si De leon ay dinakip ng pinagsamang pwersa ng Santiago City Police Station 1, PDEA RO2, City Intelligence Branch at Regional Drug Enforcement Unit sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC Second Judicial Region Branch 35 Santiago City dahil sa kaso nitong Paglabag sa RA 9165.


Nasa kustodiya na ngayon ng Santiago City Police Station ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments