Lola na may Kasong 5 Counts Estafa, Arestado sa San Agustin, Isabela!

99

*San Agustin, Isabela- *Inaresto ng mga otoridad ang isang ginang dahil sa kinakaharap nitong kaso matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa brgy 3, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Elineta Garcia, 64 anyos at residente ng brgy Nemmatan, San Agustin, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Garcia sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC 2nd Judicial Region, Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong 5 counts ng Estafa.

Pansamantalang makakalaya si Garcia kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso (200,000.00).

Facebook Comments