Lola na pinaghinalaang aswang, pinatay

888

Tinadtad ng saksak ang isang matandang babae sa loob ng kanyang bahay matapos umanong akusahang aswang sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ng awtoridad ang biktima sa alyas na Laila, 63-anyos residente ng Barangay Bagumbayan, Magpet, North Cotabato.


Sa ulat ng pulisya, pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang kubo ng biktima na mag-isa nang nangyari ang insidente noong Linggo.

Nagtamo ng 16 tama ng kutsilyo ang matanda na pinagbibintangang manananggal ng mga residente dahil sa gabi lang daw ito lumalabas.

Pinabulaanan naman ng mga kaanak ang paratang at nagbantang kakasuhan ang mga nagpapakalat nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers