Lola, nagtangkang magrappel sa sariling apartment sa China

China – Nirescue ng mga otoridad sa China ang isang 63 taong gulang na lola matapos itong magtangkang magrappel sa sariling apartment.

Kinilala ng mga otoridad ang babae sa palayaw ng “Jia.”

Sa ulat, aksidenteng na-lock ang kanyang pinto dahil sa bugso ng hangin, kaya naisip na lamang ng lola na manghiram ng lubid at magtangkang magrappel papunta sa bintana ng kanyang apartment.


Nakuhanan pa ng video ng mga residente ang pagsabit sa bintana ng naturang lola

Samantala, hindi naman nasaktan si lola.
Nation

Facebook Comments