LOLA, NAHULIHAN NG DROGA SA ROSALES

Naaresto ang isang 79 anyos na babae, na kilala bilang “Lola,” matapos makumpiska ang 6.28 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Rosales Municipal Police Station, katuwang ang PDEA Region 1, nitong Oktubre 20, 2025 sa Barangay Zone II.

Narekober mula sa suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet ng droga na may tinatayang street value na mahigit P42,000, pati na rin ang buy-bust money at mga boodle money.

Ang mga ebidensiya ay na-inventory at naitala sa presensya ng mga awtoridad at saksi bilang bahagi ng legal na proseso. Kasalukuyang nasa kustodiya ang suspek habang iniimbestigahan ang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments