LOLA, NASAWI MATAPOS MASAGASAAN NG BUS HABANG TUMATAWID SA POZORRUBIO

Nasawi ang isang 68-anyos na babae matapos mabangga ng isang pampasaherong bus sa National Road sa Barangay Rosario, Pozorrubio noong Martes ng gabi, Pebrero 17.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, aksidenteng nabangga ng bus ang biktima habang tumatawid.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Isinailalim nanan sa medikal na pagsusuri ang drayber ng bus sa parehong ospital bago dalhin sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Samantala, iniimbestigahan pa ng Pozorrubio Municipal Police Station ang insidente at halaga ng idinulot na pinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments