
Isa ang nasawi sa nasunog sa apat na palapag na residential establisment sa Sct. Rallos sa Brgy. Sacred Heart sa Quezon city.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP-QC, isang 78-year old na babae ang nasawi matapos na ma-trap sa nasunog bahay.
Nagsimula ang sunog bandang alas-4:11 ng hapon at dahil sa mabilis na paglaki ng apoy ay itinaas ito sa ikalawang alarma bago ganap na naapula pagkalipas ng isang oras.
Na-rescue naman ang mga matatanda na inaalagaan sa isang home care malapit sa nasunog na gusali.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at dumating na rin ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO).
Facebook Comments









