LOLA, NATAGPUANG WALA NANG BUHAY SA SAN FABIAN

Isang 73-anyos na babae ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Rabon, San Fabian, Pangasinan kamakailan.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang barangay opisyal ang tumugon matapos makatanggap ng mensahe mula sa anak ng biktima na nag-aalala sa kalagayan ng kanyang ina.

Nang puntahan ang bahay ng matanda, tumambad sa kanya ang katawan ng biktima na wala nang buhay, kaya agad niya itong iniulat sa pulisya.

Ayon sa pagsusuri ng Municipal Health Officer, walang nakitang palatandaan ng karahasan o foul play, at pinaniniwalaang natural na sanhi ang ikinamatay ng biktima.

Dinala ang kanyang labi sa isang punerarya sa bayan para sa wastong disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments