Lola patay , 11 Sugatan sa aksidente sa Sultan Kudarat

Dead on the spot ang isang senior citizen sa nangyaring vehicular accident sa Brgy. Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao alas onse kurentay syete kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Lambaina Dagandal residente ng Brgy. Tugal Midsayap matapos magtamo ng matinding mga sugat matapos araruhin ng isang pampapasaherong town habang nakatayo lamang sa labas ng compound ng JP Restaurant.

Sinasabing kabilang si Dagandal kasama ng 11 iba pang naging sugatan sa mga nakilahok sa isang Kasalan . Nag-aantay ng masasakyan papauwi ang mga biktima ng bigla na lamang mawalan ng control ang town ace resulta ng aksidente. Nawasak rin ang ilang nakaparadang payong paying at Toyotta Hilux.


Kinilala ang mga nasugatan na sina Hamsur Manampan, Baitolon Bansil at isang Sam na kapwa naisugod sa Sanitarium Hospital, habang sa CRMC naman isinugod sina Ismael Silo, Noraina Adam, Sahid Ambigan, Samela Agao, Mark Zacaria, Isdra Hololan, Noralyn Abo, Esmail Angintaopan at Musa Panayaman.

Samantala base sa pahayag ng mga nakasaksi, agad na tumakas ang driver ng townace.(MUBARAK LAUBAN)
CCTO

Facebook Comments