Lola, Patay matapos Mabangga ng SUV; Apo Sugatan

130

*Cauayan City, Isabela*-Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring aksidente sa maglola matapos mabangga at takasan ng drayber ng SUV at ikinasawi naman ng Lola habang nilalapatan ito ng lunas s aisnag pagamutan sa Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Josie Manzanillo, 59 anyos habang sugatan ang apo nito na si Rey Anne Manzanillo,6 anyos at kapwa residente sa nasbaing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng *98.5 iFM Cauayan* mula sa Luna Police Station, lumalabas na papatawid sana sa pambansang lansangan ang mga biktima nang mabangga ang mga ito ng isang itim na toyota fortuner na binabagtas ang lansangan patungo sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon sa mga saksi sa insidente, may plaka umanong AAS 9156 ang toyota fortuner na nakabangga sa mga biktima.

Ngasasagawa pa rin ng manhunt operation ang mga awtoridad upang matukoy at papanagutin ang pagkamatay ng Ginang.

Facebook Comments