Lola patay ng mabangga ng motorsiklo sa Matanog Maguindanao

Isang 60 anyos na ginang ang namatay matapos mabangga ng isang motorsiklo sa Central Langkong sa bayan ng , Matanog, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Saipa Dimaampao na residente sa lugar.
Ayon sa report ay naglalakad lamang ang biktima sa gilid ng national highway Martes ng umaga ng itoy aksidenteng mabangga ng rumaragasang motorsiklo na minamaneho ng isang Monawar Akmad Pandi, 19 anyos kasama ang angkas nito si Mahid Casabagan, 17 anyos na pawang mga residente ng brgy. Bayanga Norte sa bayan ng Matanog.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan sa Cotabato City ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay habang ginagamot. Nagtamo naman ng sugat ang driver at kanyang angkas .(with report from Mubarak Lauban)

Facebook Comments