LOLA PATAY SA KARAMBOLA; 4 IBA PA, SUGATAN

CAUAYAN CITY – Hindi nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang Lola matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nitong traysikel sa Brgy. Dibalio, Claveria, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Cagayan PIO, patungo ang traysikel sa Brgy. Centro sakay ang biktima na nakilalang si Juanita Hernandez, 66-anyos, kasama ang apat na iba pa.

Nakasalubong nila ang isang kotse na minamaneho ni alyas Peter na noon ay pauwi naman sa Sta. Marcela, Apayao galing ng Ilocos Norte.


Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, sa halip na preno, accelerator ang naapakan ni alyas Peter dahilan upang dumiretsyo ito at nabangga ang traysikel.

Matapos nito ay nasalpok din ng kotse ang van na noon ay sumusunod naman sa traysikel.

Samantala, sa pinakahuling ulat, sinampahan na ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Physical Injury at Damage to Property si Alyas Peter.

Facebook Comments