Trahedya ang bumalot sa isang tahanan sa Brgy. Alacan, Malasiqui noong Lunes, Hulyo 7, matapos masaksak at mapatay ang isang 80-anyos na lola ng sarili niyang anak na umano’y dumaranas ng sakit sa pag-iisip.
Kinilala ang biktima na si Lola Soledad, na nasaksak sa dibdib bandang 1:00 ng hapon ng kanyang sariling anak.
Ayon sa ulat ng Malasiqui Police Station, matagal nang nagpapakita ng senyales ng mental instability ang anaknito. Matapos ang pananaksak, agad tumakas ang suspek at kalaunan ay natagpuang wala nang buhay sa isang palayan na halos isang kilometro lamang mula sa kanilang tahanan. May sugat sa leeg ang lalaki, indikasyong ito ay self-inflicted, at hawak pa rin nito ang patalim na ginamit sa krimen.
Agad dinala sa Malasiqui Municipal Hospital ang parehong biktima at suspek, subalit parehong idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Humiling na ng tulong ang mga otoridad mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa masusing imbestigasyon sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









