Lola, patay, tatlo sugatan sa naganap na sunog sa Q.C.

45

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan sa naganap na sunog kahapon sa #8 Don Pepe St., Barangy Sta. Domingo, Quezon City, kahapon ng hapon.

Sa report ni SFO1 Thaddeus Tadeo, nasawi ang 65-anyos na si Angelita Unite.


Sugatan naman sina Father Jie-Die, 63, na nasugatan sa ilong; Manny Vilien, 48, nagtamo ng first degree burn sa kanang braso at ang apat na taong gulang na batang lalake na si John Regalado na nasugatan sa paa.

Pasado alas-singko ng hapon kahapon nang masunog ang tatlong palapag na bahay ng isang Abelardo Tambong.

Nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag na inaakupa ng isang Crisanta Padilla.

Apektado ang 180 na pamilya sa sunog na umabot sa ikalimang alarma at ganap na naapula alas-9:30 kagabi.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na nakapinsala sa P750, 000.

Facebook Comments