Lola, pinatay ang apong may diperensya sa pag-iisip

Brandenton, Florida – Isang 87-anyos na lola ang arestado matapos umamin sa mga pulis sa kanyang intensyong pagpatay sa 30-anyos na apong may diperensya sa pag-iisip.

Kinilala ang biktima na si Joel Parks, na sinasabing kasa-kasama ng kanyang lolang si Lillian Parks tuwing weekend.

Ayon sa tagapagsalita ng Bradmenton Police Deparment, Captain Brian Thiers, na overdose raw si Joel matapos bigyan ng drugs ng kanyang lola na naging sanhi ng agarang pagkasawi nito.


Ang itinuturong dahilan ng krimen ay ang pag-aalala ni Lillian na walang mag-aalaga sa apo kapag siya ay namatay na.

Sabi ni Thiers, “She was concerned about her medical condition and was worried about who would be caring for him when she passed away.”

Batay rin sa ulat ng pulisya, Linggo raw ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa kapatid ng biktima matapos nitong icheck ang kapatid sa bahay ng kanyang lola.

Dito na umano bumungad ang walang buhay na si Joel.

Ayon pa sa awtoridad, patay na raw ang ama ng biktima at iniwan na ng kanyang ina kaya ito ay nasa isang ‘group home’ kung weekdays at nasa pangangalaga ng lola kung weekend.

Hinihintay rin nila ang autopsy para malaman kung anong drugs ang binigay ni Lillian sa apo.

Pahayag ni Thiers, “We do feel bad for an individual who feels their only options is to take another human being’s life because you’re so worried about their care after you’re gone.”

“But on the other hand, this is a process where it was thought out, it was planned and she took a human life … and we need to do everything we can to bring justice to his family. At the end of the day, Lillian is responsible for the death of another human being,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nasa pangangalaga naman ng isang medical facility ang si Lillian para sa ilang pagsusuri at pagkatapos nito ay agad itong haharap sa kasong second degree murder.

Facebook Comments