LOLA SA BRGY. DISTRICT 1, NAKATANGGAP NG P100,000 CASH GIFT

Cauayan City – Nakatanggap ng insentibong nagkakahalaga ng tumataginting na P100,000 ang isang lola mula sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang benipesyaryo na si lola Goneng Ramos na nakatanggap ng Centenarian Cash Gift matapos nitong ipagdiwang ang kanyang ika-isangdaang kaarawan.

Personal namang ipinaabot nina Office of the Senior Citizens Affairs Cauayan City President Bebot Atienza, kasama si CSWD Officer Rodalyn Ancheta, City Councilor Egay Atienza, at Porong Malillin, at mga barangay Officials ang cash gift sa benipesyaryo.


Samantala, ang patuloy na pagbibigay ng insentibo sa mga Senior Citizens ay patunay lamang na hindi kinakalimutan ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayang may edad na.

Facebook Comments