United Kingdom – Kakaiba ang trip ng 65-years-old na lola matapos siyang makilala sa madalas niyang pagpunta sa mga burol dahil hindi lang ito basta bumibisita at nakikikain, aba may pa-take home pa!
Sa 14 taon nitong pagdalaw sa mga burol ay kinilala nang ‘funeral crasher’ si lola Theresa Doyle ng mga residente sa Berkshire, England,
Ayon sa kanila, pagputok pa lang ng liwanag ay nakikita na nila si lola Theresa na may bitbit na basket na may lamang damit panlamay at sakay ng bike pupunta sa simbahan para mag-change outfit.
Nagpapanggap si Theresa na kakilala ng namatay at minsan ay nakikipag-usap pa sa mga kaibigan at pamilya para makikain.
Sabi naman ng isang pari sa Holy Redeemer Church, hindi raw pwedeng pagbawalan ang sinuman na pumunta sa mga burol lalo na’t tingin ni Theresa ay tungkulin niya ito bilang Katoliko.