LOLA, SINUNTOK MATAPOS KOMPRONTAHIN DAHIL SA TSISMIS

Desidido ang isang 60 anyos na ginang na sampahan ng kaso ang kanyang pamangkin matapos umano siyang suntukin sa mukha habang nakikipagkwentuhan sa kaniyang kapatid sa Villasis, Pangasinan.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Villasis MPS Chief of Police PMAJ Edgar Allan Serquiña, hindi raw namalayan ng suspek na nasaktan niya ang kanyang tiyahin habang ikinukuwento niya sa kapatid na sinasaktan umano nito ang kanyang live-in partner.

Hindi rin umano pumayag ang biktima na magaan na kaso lamang ang kaharapin ng suspek dahil sa tinamo nitong bali sa mukha, kaya nagpasya itong magpakonsulta sa ibang ospital na posibleng magbigay ng mas mabigat na kasong ihahain sa piskalya.

Sa kasalukuyan, pansamantalang pinalaya ang suspek habang inihahanda ang pagsampa ng kaso.

Panawagan naman ng opisyal na pairalin ang pang-unawa at pagiging kalmado sa mga ganitong insidente, lalo na kung ito ay maaaring lutasin sa maayos na paraan.

Facebook Comments