Lolit Solis nanindigang inisnab ni Alex Gonzaga sina Ken Chan, Rita Daniela

1495

Iginiit ng entertainment columnist na si Lolit Solis na nag-suplada si Alex Gonzaga kina Ken Chan at Rita Daniela, matapos itong itanggi ng actress-vlogger.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, sinabi ng talent manager na “sumusumpa” ang source ng niya na totoong inisnab ni Alex ang Kapuso stars nang aksidente silang magkita sa airport.


View this post on Instagram

Naku talagang dapat siguro pag nasa traffic ako huwag ako mag-type ng post ko Salve. Mea Culpa talaga dahil ewan ko ba kung bakit Dormitorio nasa utak ko, pero Doctolero na type ko. Pero no amount of apology can undo the harm ng kabobohan ko. So sorry po, Darwin Dormitorio ang pangalan ng namatay na PMA cadet, siguro ayaw ni Brando ng publicity kaya nagkamali mali ako, heh heh joke po. Talaga pong kasalanan ko. In regard po sa pangyayari kay Alex Gonzaga, Rita Daniela at Ken Chan, sumusumpa po ang source ko na tutoo daw nangyari ang bagay na iyon. Hindi ko gusto siraan si Alex, actually nga ang gusto ko pagalitan sila Rita at Ken dahil for me, you treat yourself better para hindi ka ma-snob. Very demeaning na gawin ng isang kapwa mo artista ang ginawa ni Alex, pero karapatan niya kung ayaw niya makipag-chica. Hindi ko naman sinasabi na dapat feeling big stars din sila Rita at Ken pero sa mga okasyon na ganun, isipin mo rin na dala mo ang bandera ng GMA at para sa isang ABS star na umasta ng ganun para bang ano 'you feel we are smaller' ang dating. Tama rin iyon iba bakit para bang mas affected ako. of course, dahil hindi ba para kayong neighbors na dapat mabait sa isa't isa. Na dapat pag magkakasabay kayo sa isang lugar pare-pareho kayong representative ng showbiz, walang mataas o mababa, walang mas sikat o baguhan? Si Coco Martin kahit saan makakita ng taga-showbiz, kahit hindi niya kilala, binabati niya, pakita sa mga tao na iisang mundo silang lahat na artista, walang ABS o GMA. Iyon lang ang hinanap ko kay Alex Gonzaga. At kung totoo na hindi nangyari, mas mabuti, dahil at least na clear niya. Pero sabi ng source ko, kaya niya humarap kay Alex. So be it. #classiclolita #takeitperminute #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nauna na itong pinabulaanan ng vlogger na sumagot sa unang IG post ni Solis tungkol sa insidente at nagsabing kinamayan niya pa ang RitKen.

“At kung totoo na hindi nangyari, mas mabuti, dahil at least na clear niya. Pero sabi ng source ko, kaya niya humarap kay Alex. So be it,” saad ni Solis.

Sa panayam naman ng entertainment writer na si Allan Diones kay Ken at Rita, kinumpirma ng dalawa na nilapitan nila si Alex sa airport, pero hindi nilinaw kung inisnab sila ng Kapamilya star.



Pinatotohanan din ni Ken na nakipagkamay si Alex sa kanila at sinabing baka pagod lang ito noong araw na iyon at na-misinterpret ng isa sa mga nakasaksi.


Matagal na raw nangyari ang pagkikita nila kaya ikinagulat ng RitKen nang lumutang ang isyu.

Nag-usap na rin daw si Rita at Alex at maayos na ang lahat.

Facebook Comments