Lolo, Arestado dahil sa Pagpapaputok ng Baril!

107

*Sto. Tomas, Isabela-* Dinakip ng mga otoridad ang isang lolo matapos na magpaputok ng baril sa Brgy. Calanigan Norte, Sto Tomas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Nelson Asirit, 66 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Calanigan Norte, Sto Tomas, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Santo Tomas Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagwawala ng suspek sa harap ng kanilang bahay gamit ang kanyang baril.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar ay naaktuhan ang maraming beses na pagpapaputok ng baril ng suspek na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni Asirit ang isang US Carbin na may 42 pirasong bala, tatlong magazine, isang Cal 45, tatlong magazine at mga bala.

Dinala na sa pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at siya’y mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments

From Advertisers