Lolo, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

112

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person municipal level sa Brgy. Namnama, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rogelio Bangloy, 67 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Namnama ng nasabing bayan.


Inaresto si Bangloy sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong, Presiding ng RTC Branch 24, Echague, Isabela.

Nahaharap sa kasong Rape si Bangloy at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments