Lolo, Arestado sa kasong Statutory Rape!

San Manuel, Isabela- Dinakip ng mga kapulisan ang isang lalaking may kasong statutory rape sa Brgy. District 2, San Manuel, Isabela dakong alas dyes ng umaga kanina, June 10, 2018.

Kinilala ang suspek na si Ruby Ubaldo, 65 anyos, may, asawa, magsasaka at residente naman sa naturang Barangay.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Police Community Relation Warlito Jagto sa RMN Cauayan, nadakip si Ubaldo sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni hukom Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23 Roxas, Isabela at hindi maaaring makapaglagak ng kaukulang pyansa ang suspek.


Sa ngayon ay hawak na ng PNP San Manuel si Ubaldo na mahaharap sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments