LOLO, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lolo matapos makorner ng mga otoridad sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Purok 1 Brgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Atong”, 64-anyos, at residente ng Purok 3 Brgy. Rizal, Santiago City.

Nasamsam sa suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at cellphone.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments