Lolo, arestado sa pagnanakaw sa Pasay

Pasay City – Arestado ang isang 64-anyos na lalaki makaraang magnakaw sa isang condominium unit sa Pasay City.

Hinarang ng security guard ang suspek na may bitbit na ipad habang papalabas ng condo.

Ayon sa Pasay City police, matagal nang suspek sa pagnanakaw ang lolo.


Nakuhanan na kasi ito sa mga surveillance footage sa mga pinapasok nitong condominium unit na kaniyang pinagnanakawan.

Payo naman ng mga otoridad sa mga condo unit owner, huwag basta-basta iiwang bukas ang kanilang pintuan kahit na sa malapit lamang o saglit lamang na aalis.

Facebook Comments