LOLO, DINAKIP SA KASONG PANGGAGAHASA

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang tinaguriang top 2 most wanted person sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jimmy”, 77-anyos, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto si alyas “Jimmy” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Paul Attolba Jr, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 30, Bambang, na naka-base sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong Rape kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa ngayon, ang suspek ay nakapiit sa Bambang Police Station bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments