LOLO, INARESTO DAHIL SA UMANO’Y PAMEMEKE NG DOKUMENTO SA BINALONAN

Inaresto ng mga tauhan ng Binalonan Municipal Police Station (MPS) ang isang 77-anyos na lolo matapos sampahan ng kaso dahil sa pamemeke umano ng dokumento.

Sa bisa ng warrant of arrest, nahaharap ang akusado sa kasong Falsification of Public Document, na may nakatakdang piyansang P36,000.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Binalonan MPS ang akusado para sa tamang disposisyon at karampatang proseso alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments