Lolo na bibisita sana sa Anak, Nalunod-Patay!

256

*Ramon, Isabela- *Patay ang isang lolo matapos malunod partikular sa Magat Dam, Sitio Baligatan, Brgy. Gen.Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ignacio Aquino, 74 anyos, residente ng Brgy Arellano, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ramon na tumawid umano ang biktima sa isang canal upang bisitahin ang kanyang anak na nasa Cordon, Isabela at habang tumatawid sa ilog ang biktima ay tinangay ito ng agos ng tubig.


Bandang 7:00 kaninang umaga nang matagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima at nakilala ito sa pamamagitan ng kanyang Senior Citizen ID na narekober sa loob ng kanyang sling bag.

Dinala na ng Rescue 316 sa isang punerarya ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments