LOLO NA GUMAHASA SA SARILING APO, NAHULIAN PA NG SHABU

Patong-patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang si sesentay tres anyos na lolo matapos itong mahulian ng shabu ng arestuhin ng mga Pulis matapos isumbong na dahil sa panggagahasa sa kanyang apo sa bayan ng mangaldan.
Sa naging panayam ng ifm dagupan kay Mangaldan PNP Chief of Police Lieutenant Colonel Benjamin Zarate, sabado ng gabi nang isumbong sa kanilang hanay ang ginawang panghahalay ng suspek sa kanyang apo sa nasabing bayan.
Agad naman nila itong tinungo kasama ang mga Barangay Officials sa kanilang lugar kung saan naabutan ang suspect sa kanyang bahay.

Dito ay agad na hinuli ang suspect dahil sa kaso ng panggagahasa sa kanyang apo at nang kapkapan na ay nahulihan pa ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Kinukumpirma pa din ng PNP ang balitang ilang beses na ginagahasa ng suspect ang kanyang apo bago ito naisumbong nitong sabado.
Sa ngayon ay magkapatong na kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad ang hinaharap na kaso ng suspect kasama nadin ang paglabag sa Republic ACT 9165. |ifmnews
Facebook Comments