Lolo, Na Hit-and-Run Patay!

239

*Aurora, Isabela-* Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 81 anyos na lolo bandang 9:30 ng gabi, May 20, 2019 sa pambansang lansangan ng Brgy. Bagnos, Aurora, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Barbosa na taga Brgy. Dalig, Kalinga, Aurora, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa himpilan ng PNP Aurora kaugnay sa nakitang katawan ng biktima na nakahandusay sa nasabing lugar.

Sa pagresponde naman ng mga otoridad ay natagpuan ang lolo sa may shoulder lane ng lansangan na agad namang dinala sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Aurora Police Station para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments

From Advertisers