Lolo na may kasong pangggahasa, arestado!

Manila, Philippines – Matapos ang limang taong pagtatago sa Metro Manila, naaresto na ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG National Capital Region ang isang 61 taong gulang na lolo na may kasong panggagahasa.

Ayon kay PNP CIDG NCR Chief, Police Sr. Supt. Wilson Asueta alas-2:00 ng hapon kahapon nang maaresto ang suspek sa BMA Street Banaue Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Dionisio Gonzales residente ng Sitio Sinabaan Barangay Budiong Odiongan Romblon.


Si Gonzales ay No. 3 Most Wanted Person ng Odiongan Municipal Police Station, sa Odiongan Romblon.

Habang sa pagsisiyasat ng PNP CIDG NCR natukoy nilang miyembro na ang naarestong suspek ng Side Mirror Baklas Gang” na nag-ooperate sa Quezon City at mga kalapit lungsod.

Kahapon agad na isinailalim sa booking at arrest procedure ang naarestong suspek.

Facebook Comments