LOLO NA NAGBEBENTA NG DONUT SA KAHABAAN NG ARELLANO SA DAGUPAN CITY, BINIGYAN NG TULONG

Kalabaw lang daw ang tumatanda yan ang kasabihan ng mga masisipag na tao dahil mapa estudyante o professional talagang maaantig sa didikasyon ni tatay na naglalako ng donut tulak ang kanyang kariton sa kahabaan ng Arellano.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naitampok natin ang kwento nya na tila mamangha tayo sa pisikal na lakas na kanyang ipinapakita noon at ngayon na siyang pumukaw sa mag-asawang sina DK Guzman ng Bonuan Binloc, Dagupan City.
Kwento ng mag asawa sa kanilang Facebook account, nakita nila si tatay habang papunta ng kanilang trabaho tulak tulak ang kanyang donut kariton. Bagamat matagal na nilang nakikita si tatay, ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon na bumili ng donut na kanyang nilalako.

Mula sa situation na ito, nakaramdam ang mag asawa ng kakaibang kurot at habag ng puso habang kumakain ng donut kaya inabutan nila ito ng konting tulong.
Tila magkahalong lungkot at inspiration ang naramdaman nila dahil kahit anong hirap ng buhay ay lumalaban ng parehas ito ngunit sa edad ni tatay dapat daw sana ay nagpapahinga na sa trabaho ,ngunit di natin masisi dahil sa kahirapan ng buhay. hindi sila mayaman Pero ang konting konting bagay na maibigay nila ay nagpasaya kay tatay lalong lalo na sa mag asawa. |ifmnews
Facebook Comments