Lolo na Nagtatago sa Batas, Arestado!

Santiago City, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang isang lolo na Wanted sa batas pasado alas nuwebe kaninang umaga sa Brgy. Villasis, Santigao City, Isabela.

Kinilala ang lolong nadakip na si Carlito Romero, pitumpuโ€™t anim na taong gulang at residente ng Viscalang street, Villasis, Santiago City, Isabela.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng Santiago City Police Station 1, dinakip si Romero sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando Gatan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Cresencio Maliwat ng Regional Trial Court Branch 21, 2nd Judicial Region, Santiago City, Isabela dahil sa kaso nitong Paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.


Hawak na ng Santiago City Police Station 1 ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang walumpong libong piso.

Facebook Comments