Lolo na Wanted sa Batas, Huli sa Echague, Isabela!

78

*Echague, Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang lolo na may kinakaharap na kaso matapos itong silbihan ng mandamiento de aresto sa Brgy. San Salvador, Echague, Isabela.

Ang nahuli ay kinilalang si Victorino Maige, 75 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. San Juan, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nahaharap sa kasong Frustrated Homicide si Maige kung saan may inirekomendang piyansa ang korte na P72,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Inaresto si Maige sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Reymundo Aumentado ng RTC branch 20, Cauayan, Isabela sa pangunguna ni P/Major Andy Orilla, hepe ng PNP Echague katuwang ang PNP Alicia.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang akusado para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers