Lolo, Nakaligtas sa Pamamaril sa Isabela!

2665

Reina Mercedes, Isabela – Nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang isang lolo matapos makaiwas sa pamamaril pasado alas dos kaninang madaling araw sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Bernard Apostol De Vera, 60 anyos, may asawa, residente ng nabanggit na lugar habang kinilala naman ang suspek na si Jojo Frogozo, nasa hustong gulang at residente naman ng Brgy District 2, Reina Mercedes, Isabela.


Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Captain Esteban, hepe ng PNP Reina Mercedes, habang nakaupo ang biktima sa terrace ng kanilang bahay ay biglang dumating at tumigil sa harap ng bahay ang isang puting Innova SUV at bigla na lamang pinagbabaril ang bintana ng biktima.

Agad namang tumakas patungong Lungsod ng Ilagan ang suspek matapos ang pamamaril habang maswerte namang hindi natamaan o nasugatan ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril habang tinutugis na ng kapulisan ang nasabing suspek.

Facebook Comments

From Advertisers