LOLO, NALUNOD SA ISANG PALAISDAAN SA BINMALEY

Walang buhay at palutang lutang ang katawan ng isang 72 anyos na lalaki sa isang palaisdaan sa Brgy. Balagan, Binmaley, Pangasinan.

 

Ayon sa kaanak ng biktima, alas kwatro ng hapon noong July 21 pa bigong makabalik ang biktima matapos umanong kunin ang isda sa nilagay nitong trap sa palaisdaan.

 

Kinabukasan, dito na naalarma ang kaanak nito dahilan upang humingi ng tulong sa awtoridad.

 

Narekober ang katawan nito sa tabi ng nilagay nitong trap at wala nang buhay.

 

Sa imbestigasyon, tinukoy na maaaring hindi natantsa ng biktima ang biglang taas sa lebel ng tubig matapos umapaw ang katabing ilog patungo sa mga palaisdaan.

 

Paalala ng awtoridad, iwasang maligo, maglakad o tumambay sa delikadong bahagi ng ilog ngayong maulan ang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments