Lolo, nalunod habang ipinagdiriwang ang bagong taon

Patay na nang matagpuan ang 60-anyos na lalaki habang palutang-lutang sa isang dagat sa Davao City matapos itong malunod.

Ayon sa ulat, naliligo noon sa dagat ang biktimang si George Pandili, residente ng Purok 6, Barangay Ilang, nang hampasin umano ng malalaking alon na naging dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Sa iniwang testimonya ng kanyang asawa na si Alejandrina, nagpaalam daw noon si George na maliligo sa dagat kasama ang pamangkin.


Kaugnay nito, naiulat na halos dalawang oras ang naging operasyon sa paghahanap sa biktima.

Sa salaysay naman ni Police Maj. Noel Villahermosa, nakainom umano ng alak si George dahil sa pagdiriwang ng bagong taon.

Wala namang nakitang foul play sa nangyaring insidente ayon sa pulisya.

Facebook Comments