Agad na nirespondehan ng pulisya ang naganap na hostage-taking sa bayan ng Laoac, Pangasinan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Laoac Municipal Police Station, habang naglalakad ang ang Isang nanay kasama ang kanyang tatlong taong gulang na anak papunta sa pampublikong pamilihan sa bayan ay agad na hinala ng isang 76 anyos na lolo na may bitbit na patalim ang kanyang anak.
Noong una Umano ay wala itong balak nakipagkasundo sa pulisya ngunit Kalaunay napakalma ang suspek at ligtas na nakuha ang bata.
Sa ibinahaging impormasyon ni Laoac Police Station Chief of Police, PMaj Napoleon M. Eleccion, matinding problema ang sanhi kung bakit nanghostage ito, kung saan lumalabas din na nakararanas ito ng mental illness.
Nahaharap ang lolo sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









