LOLO, NASAGASAAN HABANG NAGPAPATUYO NG PALAY SA BANI, PANGASINAN

Isang 78-anyos na magsasaka ang nagtamo ng mga sugat sa katawan matapos masagasaan ng motorsiklo habang nagpapatuyo ng palay sa tabi ng kalsada sa Barangay Dacap Sur, Bani, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng motorsiklo ang barangay road nang aksidenteng mabangga nito ang matandang lalaki na noon ay naglalakad paatras habang nagpapainit ng palay sa gilid ng kalsada.

Napag-alamang walang lisensiya at walang suot na helmet ang drayber nang mangyari ang insidente.

Dahil sa banggaan, parehong nasugatan ang pedestrian at ang drayber ng motorsiklo, at agad silang isinugod sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City para sa gamutan.

Nanatili naman sa lugar ng insidente ang nasabing motorsiklo habang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments