Wednesday, February 18, 2026

LOLO, NATAGPUANG PATAY AT LUMULUTANG SA FISHPOND SA BAUTISTA

Isang 77-anyos na lolo ang natagpuang wala nang buhay at lumulutang sa isang palaisdaan sa Bautista, Pangasinan kahapon ng hapon, Pebrero 17, 2026.

Ayon sa ulat, nadiskubre ng isang 47-anyos na fishpond caretaker bangkay na palutang-lutang sa tubig at agad na itinawag sa pulisya dakong alas-3:10 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, sinabi ng pamilya ng biktima na ang walang buhay na lolo ay may iniindang Alzheimer’s disease at madalas umanong nakalalabas ng bahay nang hindi napapansin, lalo na tuwing gabi.

Bukod dito, umiinom din umano ito ng gamot para sa altapresyon at sakit sa puso.

Ibinunyag ng anak ng biktima na huli niyang nakita ang kanyang ina bandang alas-1:10 ng madaling-araw sa parehong araw.

Matapos suriin ang bangkay ng Municipal Health Officer ng Bautista, kinumpirmang walang nakitang anumang sugat o palatandaan ng foul play sa katawan ng biktima.

Ayon sa Bautista Municipal Police Station, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments