Lolo, Patay Matapos Ma-hit and Run!

81

Cauayan City, Isabela- Dead on Arrival sa pagamutan ang isang lolo matapos mabundol habang nagbibisekleta sa pambansang lansangan sa Brgy. Diamantina, Aurora, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roman Carani Jr, 68 taong gulang at residente rin sa naturang barangay.


Nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa isang concerned citizen na may nangyaring aksidente sa kahabaan ng barangay Diamantina na agad naman tinungo ng mga pulis.

Bago pa man rumesponde ang mga elemento ng PNP Cabatuan ay naisugod na sa ospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek na bumangga at nang-iwan sa biktima.

Facebook Comments