Lolo, Patay matapos maaksidente sa Echague, Isabela!

*Echague, Isabela- *Patay ang isang lolo matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo bandang alas syete ngayong umaga sa Maharlika Highway ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Amante Co, 62 anyos, at residente ng Brgy. Buenavista, Santiago City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ni Co ang naturang lansangan lulan ang minamanehong Honda XRM SMC na may plakang 9178 BO at nang marating ang pinangyarihan ng aksidente ay hindi nito napansin ang bahagi ng ginagawang lansangan.


Dahil dito ay nabangga ni Co ang nakaharang na barrier hanggang sa mawalan ito ng kontrol sa manibela at tumilapon sa daan.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima na isinugod naman ng Echague Rescue Team sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Echague hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments