Lolo, Patay Matapos Mabundol

42

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lolo matapos mabundol ng sasakyan sa pambansang lansangan ng brgy. Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Dominador Castro, 74 taong gulang, byudo at residente ng nasabing barangay.


Una rito, bumabaybay sa lansangan ang isang L300 Van na minamaneho ni Aberden Manuel, 32 taong gulang, negosyante at residente ng brgy Bantug, Roxas, Isabela at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga nito ang tumatawid na biktima.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na agad namang dinala ng bumanggang drayber sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang minamanehong sasakyan para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments