Lolo, patay matapos masagasaan ng wing van truck sa Tagana-an, Surigao del Norte

Patay ang isang matandang lalaki matapos masagasaan ng wing van truck sa National Highway sa Purok 2, Barangay Lower Libas, bayan ng Tagana-an, Surigao del Norte.

Ayon sa Tagana-an Municipal Police Station, patawid na sana ang 77-anyos na biktima habang may dalang bisikleta ngunit hindi umano ito nakita ng 36-anyos na driver ng wing van truck, na naging sanhi sa agarang pagkamatay ng biktima.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima, na kinilala bilang si Jesus Cinco Maca, ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tagana-an MPS ang suspek at nahaharap sa kasong ‘Reckless Imprudence resulting to Homicide’.

Facebook Comments