Lolo, Patay sa Pamamaril

27

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang lolo matapos itong barilin sa Sitio Facoma Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Benjamin Rivera, 67 taong gulang, may asawa, drayber at residente ng Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan nito nang mapansin ng kanyang anak na may dalawang lalaki sa harap ng kanilang bahay.

Dito na nilapitan ng biktima ang dalawang lalaki subalit agad na naglabas ng baril isa sa mga suspek at ipinutok ng dalawang beses sa biktima.

Nakatakbo pa ang biktima subalit nabaril pa rin ito at bumulagta sa lupa.

Agad na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek at iniwan ang kanilang motorsiklo na walang plaka at isang pares ng tsinelas.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA).




Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng pulisya at hot pursuit operation para sa matukoy at maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments