Lolo, Patay sa Pamamaril sa City of Ilagan!

308

*Ilagan City, Isabela- *Agad na binawian ng buhay ang isang magsasakang lolo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Orlando Bubias, 64 anyos, at residente ng Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nagtungo ang biktima malapit sa Curilao River upang ilipat ang kanyang alagang kalabaw sa ibang lugar nang biglang dumating ang suspek at basta na lamang pinagbabaril ng maraming beses ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 15 piraso ng fired cartridge case ng M16 na ginamit ng suspek.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Ilagan hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments