Lolo, Patay sa Pananaksak ng Kainuman!

94

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lolo matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainuman pasado alas diyes kagabi sa Brgy Luna, Quirino, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mario Bumalod, 63 anyos, may asawa at residente ng Cabisera 17-21, Ilagan City, Isabela habang ang suspek ay nakilala naman na si Larry Corpuz, 46 anyos na residente naman ng Aggasian, Ilagan City, Isabela.


Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang nag-iinuman ang biktima at suspek ay nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo na humantong sa pananaksak ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP Quirino ang suspek na mahaharap sa kasong Homicide.

Facebook Comments

From Advertisers