Lolo pinagsasaksak ng 25 beses; love triangle tinitignang dahilan

Patay ang 61 taong gulang na lolo sa Alaminos City, Pangasinan nang pagsasaksakin ito ng 24 beses ng isang tricycle driver.
Nakilala ang biktima na si Marcellano Penuliar at ang suspek ay si James Berbon, 44 anyos.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay PNP Alaminos Deputy Chief PLT.Col Alma Cruz, bago pa mangyari ang insidente nagkaroon ng inuman ang biktima at ang suspek.
Hanggang sa umabot na ang suspek sa pananaksak ng 25 beses at pagpalo ng bato sa ulo ng biktima.
Sinabi ni Cruz, tinitignang motibo sa insidente ay love triangle dahil nadiskubre ng suspek na karelasyon din ng biktima ang kaniyang kasintahan.
Sinampahan na si Berbon ng kasong murder at kasalukuyang pinaghahanap ng otoridad.
###

Facebook Comments